Wednesday, May 4, 2011

My Birthing Kwento: Joaquin Matthew

Monday,April 18 – Papasok pa sana ako sa office naka ready na yung isusuot ko but I felt some pelvic and lower back pains, pero gusto ko pa din pumasok. Then suddenly may discharge ako na parang sipon and when I timed my contractions almost 30 mins na ang interval so I told hubby na di na ata ako makakapasok. As first time mom natatakot ako pano kung sa byahe na pala ako abutan. Di na din pumasok si hubby sa office. After lunch, nagpunta na kami sa hospital derecho delivery room na dahil yun ang instructions sa akin ni OB. Na IE ako ng residente around 3PM and 4cm na daw ako! Tapos tinawagan nya si OB, pinakausap nya sa akin and to my surprise papa admit na daw ako! Di ko pa masyado feel manganak since 36weeks and 3 days palang si baby based on my ultrasound besides I am taking ng antibiotic for 7 days because of my UTI so I need 4 more days pa para ma complete yung antibiotic and at the same time para maging full term pa si baby.

Si hubby nakikita ko excited na din sa pag labas ng junior nya, parang may smiley sa face ni hubby when he heard na ma aadmit na ako and need na nya pa reserve ng room. At 6PM, IE ulit ng residente 5cm na daw ako kaso makunat pa.. Hindi ko alam kung ano ba yung makunat na tinatawag nila nay un. Then after 4 hours ulit 10PM, IE na naman 6cm na daw ako! Grabe ang sakit ma IE parang gusto ko manadyak! Halos nanginignig ang tuhod ko habang ina IE! Bigla ako napa iyak, sabi ko kay hubby dapat pala di muna ako nagpa admit, habang ni-IE ako parang feeling ko mas gumagrabe yung contractions. Naisip ko si baby baka ayaw pa lumabas napipilitan lang dahil sa kaka IE sa akin, kulang pa kasi sya sa araw and gusto pa nya matulog lang muna.. Parang gusto ko muna tumakas sa hospital at umuwi muna, kaso nakapag down payment na.. Si hubby naman ang sabi, hindi yan gusto na nya talaga lumabas. Then nalaman ko nakapag broadcast na pala sya sa mga family nya na manganganak na daw nga ako.. Di din excited dba?

Tuesday, April 19- At exactly 12AM dumating si OB, napangiti ako sa kanya dahil dahan dahan pa sya sumisilip at naka smile sa delivery room. Naisip ko ang aga nya ata dumating, di ko pa talga feel ang manganak eh. Sabi nya tinapos lang daw nya ang Green Rose tapos dumerecho na sya sa hospital. IE ulit ako ni OB, napaka gentle ng kamay nya and di ganon kasakit kumpara sa mga residente 7-8cm na daw ako.. Pina inject na din nya ako ng IV and pati yung parang anesthesia ata din yun na ininject sa pwet ko na masakit! Katabi ko si OB, parang feeling ko nanay ko ang katabi ko hinihimas himas nya ang tyan ko at kinakausap si baby, sabi nya malapit na nga daw akong manganak. Si baby naman galaw ng galaw sa tyan ko. Di daw ako mahihirapan dahil di naman daw ganon kalaki si baby, kayang kaya ko daw iire.. Hanggang sa nakatulog na ako…

4AM bumalik si OB at na IE na naman ako, 10cm na daw ako kaso di pa pumuputok ang panubigan ko. So sabi nya i-force na lang nya paputukin hanggang sa parang tinusok na nga nya and naramdaman ko ang dami nga water dumadaloy. Tapos dinala na ako sa Operating Room, tinuruan pa ako ng residente pano mag push may mga practices pa kami.. Hanggang sa dumating na ulit si OB, dala dala na yung camera na binigay kay hubby.. Sige push lang ako.. Una mali daw ako ng ire kasi sa leeg ko daw nangggaling. Nakasuksok yung kamay ni OB sa vajayjay ko habang umiire ako.. Sobra ang sakit.. Sabi pa dapat daw parang umiire na nadudumi.. Di ko na alam panong ire ba gagawin ko, sabi ko na lang di pa po kasi ako nakaka dumi ng nakataas ang paa!hahaha..

Hanggang sa inabutan na kami ng liwanag, 6AM.. 7AM na… Yung anesthesiologist umalis na dahil may bago na naman pasyente. Napapagod, nauuhaw na at gutom na ako.. Super ire pa din, tama naman na daw ang pag ire ko.. Kaso kahit yung katiting na tuktok ni baby di pa din nagpapakita.. I prayed and lahat na ata ng kilala kong saints natawag ko, si baby kinakausap ko.. May kasabay akong pumasok sa OR nakapanganak na habang ako eto super ire pa din.. Si baby kinakapa ni OB, naka side view pa din daw kaya ayaw manlang magpakita ng kahit konting tuktok nya.. Sabi ko pahinga muna ako, ang sakit na talaga ng buong katawan ko lalo na sa bandang pwet.. Pinag side lying ako para umikot man lang ulo ni baby. After 30 mins sabi ko OK na ulit ako, try na ulit namin.. Pasok na naman kamay ni OB sa vajayjay ko.. Si baby sobrang galaw pa din ng galaw, kinokontra nya kamay ni OB kahit iniikot na daw nya yung ulo ang anak ko binabalik pa ulit.. Parang nakikipaglaro ata ang anak ko, kahit wala na akong tubig galaw pa din sya ng galaw.. Hanggang sa sabi ni OB try pa natin hanggang 9AM. Kaya ko to, ginusto ko to.. Kakayanin ko po doc!

Sakto umabot na ng 9AM wala pa din progress.. Yung residente na nag asikaso sa akin may kapalit na simula pa lang ng shift nya inaasikaso na nya ako nakapag OT na din sya wala pa din, di pa din ako nanganganak.. Hanggang sa tinanggap ko na sige na CS na ako, gusto ko na makaraos at naawa na din ako kay baby baka napuluputan na ba sya ng cord kaya di sya lumalabas.. Si hubby daw nasa labas pa din ng Delivery Room wala pa din tulog sabi ni OB, sabi ko na lang ok lang yan Doc.. Ako walang tulog at pagod na pagod na din…

9:30AM- Nakaprepare na lahat ng gamit, dumating na ang bagong anesthesiologist and ininject na ako ng epidural. Ang dami na inject sa akin may ng mga skin test pa daw.. Sabi ng nurse masakit daw yun pero wala na akong pakiramdam. Yung pag insert ng catheter masakit din daw pero manhid na ako sa sakit. Nairita pa ako nung may pumasok na nurse na lalaki, nahihiya ako, binababa ko pa yung gown ko.. Yun pala sya din ang maghuhubad sa akin! Wahhh.. Hanggang sa sobrang pagod ko nakatulog na ako, manhid na ang lower body ko ang dami na nila nagkumpulan habang may nakatakip na kumot sa leeg ko para di ko di ko na alam ano ginagawa nila..
10:15 AM- Nagising ako when I heard my OB sabi nya: “Ano ba naman itong batang ito na CS na nga ayaw pa din lumabas”. Dahil iniipit or sinisiksik ata ni baby ang ulo nya di makuha ni OB. After few seconds narinig ko na lang si OB: “Ay ang puti! Ang taba ni baby mo Joan!” Bigla ako nabuhayan, tapos si baby pinunasan na sabi ko pa dun sa Anesthesiologist na may hawak na camera: Kua kunan mo ng picture bilis!haha.. Groggy pa ako nyan ha!Then I heard my baby na, he’s crying na pero di masyado malakas.. Sabi ng pedia mukhang napagod din daw ata si baby sa paglalabor.. Naawa ako sa anak ko.. But then nun pinatabi na sya sa akin, ni-kiss ko pa sya. I praised God at ok na si baby! Sa wakas nagkita na din kami.. Then I fall asleep na ulit.. Nararamdaman ko na lang parang ni shake na yung katawan ko and nakita ko na ang daming blood na pinupunasan nila.. Keber na lang.. Hanggang sa nilipat na nila ako sa recovery room, sabi ko pa pwede bang 30 mins lang ako sa Recovery room? Ok na ako.. haha.. I’m thinking of our hospital bill na! Sa tagal na pagstay ko sa Delivery baka makatulog pa ako ng matagal sa Recovery ang laki na ng bill namin! Then sabi ng anesthesiologist misis hanggang sa di mo nagagalaw ang legs mo, sa recovery room ka pa.. Super uhaw, gutom na ako.. Kaso bawal pa daw kahit water, I asked for cotton na lang then binasa ng water yun ang pinupunas sa bibig ko.

1:00 PM- Ok na natransfer na din ako sa Room ko.. I saw my husband, di pa din sya natutulog at nag iintay sa akin. Pinakita na din nya sa akin ang pictures ni baby. Hanggang sa nakatulog na ulit ako..




Wednesday,April 20- Kailangan ko na daw tumayo. Putik ramdam ko na ang sakit!!! I felt wasted and helpless! Kahit patagilid or straight ng arms or legs di ko magawa.. I have to call my husband to do it for me. Kaso sabi ng nurse kailangan ko na daw umupo at tumayo para mas mabilis ang recovery.
Thursday, April 21- Hindi na na-room in si baby, pinadaanan na lang sya sa amin sa Nursery since pauwi na din kami. I’m so excited na, hanggang sa inabot na sa akin si baby… Grabe! Hindi ko alam bat bigla nawala at nakalimutan ko lahat ng pagod at sakit sa katawan ko.. Ang nasabi ko lang nun nahawakan ko na si baby SULIT na SULIT naman pala talga!! I am so thankful to God na walang ibang complications at di kailangan iwan si baby. We’re both safe and ok. He is a healthy baby boy and kahit kulang sa days para ma full term pang 39 weeks na daw ang age nya sabi ni pedia and ang pogi pa daw! Hehe...