Showing posts with label Pregnancy. Show all posts
Showing posts with label Pregnancy. Show all posts

Friday, June 7, 2019

Hello there Baby No. 3



We're almost 32 weeks! Means more than a month and we will meet you our second princess! 
You already have a name. We will name you as "Lia Margareth". So here's the story my dear..
 First since your big sister's 2nd name is Mariae which came from my paternal grandmother "Maria". We also thought of your Dadda's paternal grandmother.  His Lola "Margarita". And since our surname is little longer. We agreed that your first name will be "Lia". Lia means relaxed. Yes, darling, I observed that my pregnancy with you was much easier compared to your older siblings. Not until this time, I think I ate something that wasn't good. My tummy contracted every minute and had severe diarrhea and vomitting. 
Dadda and I were worried that you will be stressed so we went immediately to the hospital.

Praise God you are doing well. We had to monitor your heartbeat and your movements. 



Doctor also ordered for pelvic ultrasound. And it's confirmed that you are a baby girl!! When I saw your face in the scan I think you also looked like your dadda! Look at that nose and your lips! Dadda can't hide his smile when he saw this picture.

We're excited to see you princess! We love you! 

Wednesday, May 4, 2011

My Birthing Kwento: Joaquin Matthew

Monday,April 18 – Papasok pa sana ako sa office naka ready na yung isusuot ko but I felt some pelvic and lower back pains, pero gusto ko pa din pumasok. Then suddenly may discharge ako na parang sipon and when I timed my contractions almost 30 mins na ang interval so I told hubby na di na ata ako makakapasok. As first time mom natatakot ako pano kung sa byahe na pala ako abutan. Di na din pumasok si hubby sa office. After lunch, nagpunta na kami sa hospital derecho delivery room na dahil yun ang instructions sa akin ni OB. Na IE ako ng residente around 3PM and 4cm na daw ako! Tapos tinawagan nya si OB, pinakausap nya sa akin and to my surprise papa admit na daw ako! Di ko pa masyado feel manganak since 36weeks and 3 days palang si baby based on my ultrasound besides I am taking ng antibiotic for 7 days because of my UTI so I need 4 more days pa para ma complete yung antibiotic and at the same time para maging full term pa si baby.

Si hubby nakikita ko excited na din sa pag labas ng junior nya, parang may smiley sa face ni hubby when he heard na ma aadmit na ako and need na nya pa reserve ng room. At 6PM, IE ulit ng residente 5cm na daw ako kaso makunat pa.. Hindi ko alam kung ano ba yung makunat na tinatawag nila nay un. Then after 4 hours ulit 10PM, IE na naman 6cm na daw ako! Grabe ang sakit ma IE parang gusto ko manadyak! Halos nanginignig ang tuhod ko habang ina IE! Bigla ako napa iyak, sabi ko kay hubby dapat pala di muna ako nagpa admit, habang ni-IE ako parang feeling ko mas gumagrabe yung contractions. Naisip ko si baby baka ayaw pa lumabas napipilitan lang dahil sa kaka IE sa akin, kulang pa kasi sya sa araw and gusto pa nya matulog lang muna.. Parang gusto ko muna tumakas sa hospital at umuwi muna, kaso nakapag down payment na.. Si hubby naman ang sabi, hindi yan gusto na nya talaga lumabas. Then nalaman ko nakapag broadcast na pala sya sa mga family nya na manganganak na daw nga ako.. Di din excited dba?

Tuesday, April 19- At exactly 12AM dumating si OB, napangiti ako sa kanya dahil dahan dahan pa sya sumisilip at naka smile sa delivery room. Naisip ko ang aga nya ata dumating, di ko pa talga feel ang manganak eh. Sabi nya tinapos lang daw nya ang Green Rose tapos dumerecho na sya sa hospital. IE ulit ako ni OB, napaka gentle ng kamay nya and di ganon kasakit kumpara sa mga residente 7-8cm na daw ako.. Pina inject na din nya ako ng IV and pati yung parang anesthesia ata din yun na ininject sa pwet ko na masakit! Katabi ko si OB, parang feeling ko nanay ko ang katabi ko hinihimas himas nya ang tyan ko at kinakausap si baby, sabi nya malapit na nga daw akong manganak. Si baby naman galaw ng galaw sa tyan ko. Di daw ako mahihirapan dahil di naman daw ganon kalaki si baby, kayang kaya ko daw iire.. Hanggang sa nakatulog na ako…

4AM bumalik si OB at na IE na naman ako, 10cm na daw ako kaso di pa pumuputok ang panubigan ko. So sabi nya i-force na lang nya paputukin hanggang sa parang tinusok na nga nya and naramdaman ko ang dami nga water dumadaloy. Tapos dinala na ako sa Operating Room, tinuruan pa ako ng residente pano mag push may mga practices pa kami.. Hanggang sa dumating na ulit si OB, dala dala na yung camera na binigay kay hubby.. Sige push lang ako.. Una mali daw ako ng ire kasi sa leeg ko daw nangggaling. Nakasuksok yung kamay ni OB sa vajayjay ko habang umiire ako.. Sobra ang sakit.. Sabi pa dapat daw parang umiire na nadudumi.. Di ko na alam panong ire ba gagawin ko, sabi ko na lang di pa po kasi ako nakaka dumi ng nakataas ang paa!hahaha..

Hanggang sa inabutan na kami ng liwanag, 6AM.. 7AM na… Yung anesthesiologist umalis na dahil may bago na naman pasyente. Napapagod, nauuhaw na at gutom na ako.. Super ire pa din, tama naman na daw ang pag ire ko.. Kaso kahit yung katiting na tuktok ni baby di pa din nagpapakita.. I prayed and lahat na ata ng kilala kong saints natawag ko, si baby kinakausap ko.. May kasabay akong pumasok sa OR nakapanganak na habang ako eto super ire pa din.. Si baby kinakapa ni OB, naka side view pa din daw kaya ayaw manlang magpakita ng kahit konting tuktok nya.. Sabi ko pahinga muna ako, ang sakit na talaga ng buong katawan ko lalo na sa bandang pwet.. Pinag side lying ako para umikot man lang ulo ni baby. After 30 mins sabi ko OK na ulit ako, try na ulit namin.. Pasok na naman kamay ni OB sa vajayjay ko.. Si baby sobrang galaw pa din ng galaw, kinokontra nya kamay ni OB kahit iniikot na daw nya yung ulo ang anak ko binabalik pa ulit.. Parang nakikipaglaro ata ang anak ko, kahit wala na akong tubig galaw pa din sya ng galaw.. Hanggang sa sabi ni OB try pa natin hanggang 9AM. Kaya ko to, ginusto ko to.. Kakayanin ko po doc!

Sakto umabot na ng 9AM wala pa din progress.. Yung residente na nag asikaso sa akin may kapalit na simula pa lang ng shift nya inaasikaso na nya ako nakapag OT na din sya wala pa din, di pa din ako nanganganak.. Hanggang sa tinanggap ko na sige na CS na ako, gusto ko na makaraos at naawa na din ako kay baby baka napuluputan na ba sya ng cord kaya di sya lumalabas.. Si hubby daw nasa labas pa din ng Delivery Room wala pa din tulog sabi ni OB, sabi ko na lang ok lang yan Doc.. Ako walang tulog at pagod na pagod na din…

9:30AM- Nakaprepare na lahat ng gamit, dumating na ang bagong anesthesiologist and ininject na ako ng epidural. Ang dami na inject sa akin may ng mga skin test pa daw.. Sabi ng nurse masakit daw yun pero wala na akong pakiramdam. Yung pag insert ng catheter masakit din daw pero manhid na ako sa sakit. Nairita pa ako nung may pumasok na nurse na lalaki, nahihiya ako, binababa ko pa yung gown ko.. Yun pala sya din ang maghuhubad sa akin! Wahhh.. Hanggang sa sobrang pagod ko nakatulog na ako, manhid na ang lower body ko ang dami na nila nagkumpulan habang may nakatakip na kumot sa leeg ko para di ko di ko na alam ano ginagawa nila..
10:15 AM- Nagising ako when I heard my OB sabi nya: “Ano ba naman itong batang ito na CS na nga ayaw pa din lumabas”. Dahil iniipit or sinisiksik ata ni baby ang ulo nya di makuha ni OB. After few seconds narinig ko na lang si OB: “Ay ang puti! Ang taba ni baby mo Joan!” Bigla ako nabuhayan, tapos si baby pinunasan na sabi ko pa dun sa Anesthesiologist na may hawak na camera: Kua kunan mo ng picture bilis!haha.. Groggy pa ako nyan ha!Then I heard my baby na, he’s crying na pero di masyado malakas.. Sabi ng pedia mukhang napagod din daw ata si baby sa paglalabor.. Naawa ako sa anak ko.. But then nun pinatabi na sya sa akin, ni-kiss ko pa sya. I praised God at ok na si baby! Sa wakas nagkita na din kami.. Then I fall asleep na ulit.. Nararamdaman ko na lang parang ni shake na yung katawan ko and nakita ko na ang daming blood na pinupunasan nila.. Keber na lang.. Hanggang sa nilipat na nila ako sa recovery room, sabi ko pa pwede bang 30 mins lang ako sa Recovery room? Ok na ako.. haha.. I’m thinking of our hospital bill na! Sa tagal na pagstay ko sa Delivery baka makatulog pa ako ng matagal sa Recovery ang laki na ng bill namin! Then sabi ng anesthesiologist misis hanggang sa di mo nagagalaw ang legs mo, sa recovery room ka pa.. Super uhaw, gutom na ako.. Kaso bawal pa daw kahit water, I asked for cotton na lang then binasa ng water yun ang pinupunas sa bibig ko.

1:00 PM- Ok na natransfer na din ako sa Room ko.. I saw my husband, di pa din sya natutulog at nag iintay sa akin. Pinakita na din nya sa akin ang pictures ni baby. Hanggang sa nakatulog na ulit ako..




Wednesday,April 20- Kailangan ko na daw tumayo. Putik ramdam ko na ang sakit!!! I felt wasted and helpless! Kahit patagilid or straight ng arms or legs di ko magawa.. I have to call my husband to do it for me. Kaso sabi ng nurse kailangan ko na daw umupo at tumayo para mas mabilis ang recovery.
Thursday, April 21- Hindi na na-room in si baby, pinadaanan na lang sya sa amin sa Nursery since pauwi na din kami. I’m so excited na, hanggang sa inabot na sa akin si baby… Grabe! Hindi ko alam bat bigla nawala at nakalimutan ko lahat ng pagod at sakit sa katawan ko.. Ang nasabi ko lang nun nahawakan ko na si baby SULIT na SULIT naman pala talga!! I am so thankful to God na walang ibang complications at di kailangan iwan si baby. We’re both safe and ok. He is a healthy baby boy and kahit kulang sa days para ma full term pang 39 weeks na daw ang age nya sabi ni pedia and ang pogi pa daw! Hehe...

Monday, December 20, 2010

Oh Girl, Oh Girl.. It's a Boy!!

We’re having a baby BOY! Yohooo!!! At exactly 18 moths hindi naman ako masyado excited at nagpa ultrasound na agad care of my sister in law (para tipid). We saw our precious baby super likot at liit palang nya sabi nga ni daddy nya panay sipa at galaw ng braso ni baby.. Our baby didn’t give us a hard time to see his gender. Parang he’s so proud pa and telling me “Hey Mommy, I’m a boy!”.



Mukhang nagpee pa ata si baby at nakita agad ang pototoy nya..Both of us we’re so happy.. Although any gender naman basta healthy at normal ok na ok syempre sa amin ni hubby. Now, I’m not wondering why there is brown marks on my under arms and neck.. Pag ganon daw baby boy nga, even on my first trimester I could feel that we’re having a baby boy… Or positive vibes lang siguro, or is it because of the Chinese Calendar?


Anak mas malaki ka ata than the usual weight for your age..


Anyways, kahit ano pa man we are both happy! Now we're on our halfway, I could feel his soft kicks, parang may fish tuloy sa tummy ko..I really love to feelhis kicks unexpectedly..It’s really a miracle! Now we are thinking what name will be given to our little baby Boy.. Will he be the next Larry???

Friday, November 19, 2010

Pregnancy at 15th weeks


Happy 15th week anak! Congratulations we passed the 1st trimester, the most critical part of pregnancy as they said.. Yesterday we had check up, lola nimfa accompanied us because daddy needs to go for work. I'm so happy again hearing your heartbeat! Good Job anak! 25 weeks or less we will be seeing you na and I'm so much excited na.. Anak, even if mommy is having this pains I'm praying na sana ok ka lang din dyan. Let's pray na wag tayo mahirapan, akala ko 2nd trimester will be easy na for us,but pregnancy is different for every woman.. basta ok ka.. ok si mommy ha.. I know you were kicking na kaso you are still small and I can't feel it yet. But daddy and I were so excited to feel your kicks.. Just enjoy staying at mommy's tummy.. See you soon.. I love you!

Wednesday, October 13, 2010

Pregnancy @7th weeks

In Whattoexpect website it says that our Baby's Limbs develop.




I need to go back to my OB for the update since I had a light spotting on my 6th weeks...
Bongga! Nakakatuwa ang laki na ni Little J parang kelan lang gestational sac palang sya..
Si hubby di nakasama kasi may binili nun tinawag na ako.. Ganda ng heartbeat ni baby 2x sakin pinarinig ni Doc.. 154 bpm na ang heartbeat nya this time.. Kaya pala minsan parang may nararamdaman ako pumipitik sa bandang butt ko..assuming!!hahaha..
Stop na ako sa follic acid and new set na ang vitamins ko. I am now taking Iberet (Iron supplement) and OB Max. I'll be back on Oct 27 for the next check up..
Mamimiss ko ata ang bebe ko.. Kung pwede lang every other day ma check up ako at makita ko ulit sya.. kaso may kamahalan din, kelangan namin mag ipon for my delivery.


I asked kung ano ba yung maliit na bilog sa ultrasound, I though yun ang ulo ni baby..sabi ni Dra, gestational sac daw yun.. Kalaro daw ni baby, parang plastic baloon daw nya..hahaha..

My OB asked me then san daw ako manganganak.. Hindi ko masagot agad.. Sa Medical City lang daw kasi sya nagpapaanak.. Oh my Gulay! She gave me a quotation kaso need pa din mag isip isip baka mabaon kmi sa utang what if lumobo ang bill namen at di makalabas sa TMC dahil sa taas ng bill..Wahhh. Kawindang!

Monday, October 11, 2010

Pregnancy Confirmed! Happy Birthday Mama Mary!!

It was Sept 08, Mama Mary's Birthday. It was also the day for me to visit Doc Shiela my Ob Gyne at IMW. I worked undertime since she texted me that she's in hurry for a patient in labor. Si Jet susunod din daw for my check up, he still could not believe.. He wants a proof baka daw kasi dinaya ko lang ang pregnancy test..hahaha.. It's my turn after waiting for an hour and half.. I'm for ultrasound to check kung pregnant nga..
I'm nervous and excited.. And then Doc Shiela seen a tiny circle in my uterus.. and said "Bakla buntis ka nga! Teka hanapin natin kung may kakambal.. Wala kakambal bakla. But it's confirmed that you are pregnant and hindi nasa labas or ectopic ang pregnancy mo"
I still can't believe after seeing my OB wrote: Confirmed Pregnant! Yahooo!!!




I'm 7 days delayed that time, but baby measures 4Weeks and 1Day old palang. I'll be back on my 6th week to confirm for the heartbeat!

After my check up, Jet immediately asked for the result.. Tinititigan nya mabuti..sabi ko yan si baby kaso sobra liit pa lang nya and sac palang sya.. Sabi nya..nakikita ko na nga mga arms and legs nya.. Toinks! haha.. Excited ata ang daddy.. After that, we hear mass and give thanks to Mama Mary for showering us a baby on her birthday and to Papa God for answering our prayers.

Everything happens in Gods time talaga.. God's plan is perfect than what we expected!

Friday, October 1, 2010

We're no longer TTC!

Since July 2010 I started my workup with my new OB Gyne Dra. Shiela Jane Illescas of In My Womb. I had several blood tests and she prescribed me Clomid then gave us schedule of baby dance but during my CD17, I had severe back and pelvic pain. My prime suspect is UTI so I have to go for urinalysis, good thing there is a medical diagnostic in front of our office. After getting the result and the pain was no longer tolerable I urgently went home and rushed to the hospital. Positive UTI nga, hays.. Sayang ang Clomid intakes ko.. But I'm still hoping na mapreggy na nga din but come on August 3 I had my visit.. Oh well, next cycle na lang ulit. Again another cycle of clomid, follicle monitoring, duphaston.. Another cyle of gastos in short.. This time CD16 ko na ang first follicle monitoring ko which I think nagburst na ang egg ko kaso on my ultrasound wala pa nagburst but I had 2 matured eggs! Yahhoooo!!! 1.8cm on left and 2.2cm on right first time may nagmature na follicles on my both ovaries. After that I was injected with Pregnyl para magburst yung follicle and gave us our schedule with time of baby dance. We follow Doc Shiela's advice..



But on my CD18, I am not feeling well again and encountering back pain with slight fever. I have to rest and asked my brother to massage my back and my legs. I felt helpless that time.. I cried and asked Lord for forgiveness.."Lord sorry po kung makulit ako, inuunahan ko ang plan nyo para sa amin.. Siguro nga po hindi pa right time. I'll wait na lang po Lord for your blessing, titigil na po ako sa pagpapagamot and put all my trust in You. Suko na po ako.. Sorry po Lord.. May your wish come true! I love you! " After that silent prayer while I'm in our rooftop, sabi ko sa sarili ko.. ayoko na mag isip about TTC.. promise talga.. I'll love my husband more and spoil ko na lang muna sarili ko and give financial assistance to my cousins kesa mapunta sa mga fertility meds na ubod ng mahal and which may cause negative effects on my body.

A week after, we went to my husband's province, I want to relax and unwind.. Wala na akong paki alam kahit malayo ang byahe..ang nasa isip ko na lang non ibibigay kung ibibigay kung hindi, di pa.. I prayed na lang sabi ko "Lord iiwas nyo po sana ako sa mga taong magtatanong kung bakit wala pa, Please give me more patience Lord. I love you"
Lord, heard my prayers wala nga nagtanong sa amin na relatives ni hubby, especially my inlaws they never asked. I guess ayaw na nila siguro kami ma pressure or ma hurt.. I enjoyed staying there, we eat a lot of good and fresh foods then makipaglaro sa mga pamangkin ni hubby.. My hubby’s parent were so religious every Sunday we hear mass at their local Church. As I was seating besides my hubby his little pamangkin named Timothy went to me and sit on my lap..
That was the first time na lumapit at kumandong sya sa akin, which I thought he will go to his tito (my hubby).. During that moment I silently prayed while Tim was sitting on my lap. I whispered to God:
“Lord bigyan mo din po kami ng Little Tim” and then bigla ako napaisip.. Ang kulit ko na naman ata ah.. sabi ko di na nga ako mangungulit..hehe.. Then again I whispered: “Lord sorry po ulit makulit na naman ako..hehe”

After our 4 days vacation, we went back to Manila. I am expecting to have my visit on that time. Kaso wala pa, feeling ko padating na nga since I am having some dysmenorrhea which is more painful than the usual. After 2 days I’m still delayed, kaso naisip ko baka delayed lang mag react ngaun si duphaston.. Until 7 days but my period wasn’t shown yet. My TTC friends insisted me mag pregtest na nga, kaso I am doubtful and afraid to see a negative result again.. Nakakapagod din kasi at nakakadepress.. But then I tried that was Sept 7 after getting home I used a Pregnancy Test Kit. As I was dropping my urine I closed my eyes and prayed to the Lord: Kaw na po bahala.. Kung maging negative po ulit naiintindihan kop o Lord”. Then when I opened my eyes I’ve only seen 1 line, but wait there’s a super light line below. I dropped some urine again.. Viola! I’ve got 2 lines!!! Although medyo malabo pa din ang 1 line. I texted my OB immediately.. Kahit medyo nanginginig pa ako and medyo teary eyed. I can’t believe it! My OB replied: “Preggy ka na nyan! See me tom Yahooo!!!!!” I waited for my hubby to arrive. I’m so excited for him to share the good news!


Then he came.. sabi ko may papakita pala ako sayo..

Joan: Magiging Tatay ka na! (Showing him the BFP Preg test)
Jet: Weehhhh, di nga?
Joan: Yup
Jet: Ngayon lang ba nagka double line pag nag pregtest ka?
Joan: Yup! Tara kain na tayo maghahanda na ako pagkain.
Jet: Sandali lang..Nakabuntis pala ako? (Habang nakatulala)
Joan: Yup nakabuntis ka nga..hehe
Jet: Ibig sabihin sa May ka pala manganganak
Joan: Tomorrow confirm natin, magpapacheck up ako kay OB

Natawa na lang ako, naisip at nagcount na sya kelan lalabas si baby..Natulala pa ang asawa ko.. di makapaniwala nakabuo na din kami. Hahaha..