Dahil Super Long Weekend, ayan 4 days din kitang na-solo at ikaw din sa akin.. Super mega bonding talga anak.. Namiss tuloy ni Mommy nung naka maternity leave pa sya..
Grabe anak, dami mo ng talents ha! Nakakapanibago, nagsisimula ka ng maging makulit na bulilit..
Dahil 2 araw tayong nakakulong sa bahay ito ang mga pinag ggawa mo:
1. Dumapa ng wala pang 5 segundo! - Tumalikod lang ako saglit nakadapa ka na anak, tapos iiyak iyak naman kasi di makabalik!hehe
2. Isubo ang buong kamay mo!- Chicken Joy pa din! Ayan naman, hindi lang basta basta thumbsucking anak, sinusungkit mo pa ang lalamunan mo kaya nasusuka ka na..
3. You enjoyed watching TV- Para kang Senyorito habang nanonood ng TV, yun nga lang hindi lang basta nood.. Kelangan nakatingin din si mommy sayo habang nanonood ka.. Lage ka sumusulyap kay mommy pag di nakatingin! hehe.. Kala mo siguro iiwanan kita no?
4. Karga!- Yup pagtgapos mong manood, ay magpapapansin na ang bebe ko.. Kakarga na.. At dahil super iyak ka pa din gusto mo pa lalabas tayo.. Hmm.. Choosy ka na ha..
I love Long Weekends anak especially spending with you.. Super LIKE and Super LOVE!!!
I love you Matteokoh! Dadda and Mommy loves you bulilit kulit..