Wednesday, July 29, 2015

My Daddy Joaquin?

Habang pinapatulog si bagets, na akala ko ay tulog na at ako naman ay nag browse pa sa cellphone ko..
Joaquin: (biglang lumingon sa akin) Mommy, matulog ka na.. tama na yang pag cellphone mo.. Anong oras ka na naman gigising..
Me: Sige anak, sabay yakap kay bagets at nakatulog na din..
Baliktad na ngayon, nanay na ang pinagsasabihan ng anak! Mabuti din naman at nakinig ako , maaga nga naman ako nagising kinabukasan. lol
________________________________________________________
Isang tanghali habang ako ay naka upo sa sala at nanonood ng TV.
Joaquin: Mommy, di ka na nag e-excercise, mag excercise ka na..
Me: Oo nga anak, sabay hila sa stationary bike.
Mabuti na lang at masunuring ina ako.

-Joaquin 4yrs and 3 mos