Wednesday, October 13, 2010

Pregnancy Kwento @6 Weeks



I had a light bleeding, kala ko normal discharge lang. I am bit worried so I texted my OB, and I need to see her bukas na bukas din. Ang aga pa namin nagpunta ni hubby 4PM nasa Glorietta na kami dahil gusto ko na talga magpacheck up but sad to say 530PM pa daw dadating si Dra..
So sabi ko gutom na gutom na ako (madalas ako magutom simula ng buntis ako) I want to eat Cheese Burger ng Mcdo (yun ata kasi napapaglihihan ko).. Grabe sarap na sarap ako sa cheeseburger and bigla ko naisip I want to eat spaghetti pa!! Kaso ang haba ng pila, ang asawa ko tamad tumayo at pumila ulit.. Then sabi ko.. Umuwi na tayo, di na ako magpapacheck up.. (Taray dba?) Until nakarating kami sa bahay.. at iniisip ko pa din ang spaghetti na sana nakain ko na..pagka dating palang namen lumapit na ako sa nanay at tatay ko.. "Mama, Papa nag spotting ako.. di pa ako nakakain ng spaghetti..huhuhuhu.." Sa sobra inis ko na at naawa ako sa sarili ko kala ko nakakuha ako kakampi.. Yun pala tatawanan lang ako ng parents ko! Amff!!! Natawa na lang din ako..hahaha.. Sabi ni mama bumalik na lang daw ako mmaya sa OB, magpacheck up pa din ako..
Dahil sa mga relatives na nagtatanong kung nakapagpacheck up na daw ako at ano na daw ang status ni baby.. Napilitan na din kami magpacheck up..medyo nakalma na din naman ako..hehe.. Sakto pagdating namen sa The Link IMW kami na next patient.. Ni TransV ulit ako ni Doc..First time na sumama si Jet sa akin sa loob ng clinic pagultrasond ko.. Dra.Shiela: "Ayan na si baby mo oh. Check natin ang heartbeat" Hanggang sa narinig namin heartbeat ni baby.. Sobrang saya, then seeing my hubby na nakasmile.. It's priceless!!! Naniniwala na siguro sya na preggy na nga ako.. haha..
Ganda daw ng heartbeat ni baby at 6weeks 152 bpm ang heartrate nya.. nakaka adik pakinggan..hehe


My OB advised me to take 1 week leave for bedrest.
Hanggang sa umuwi na kami na sobrang saya na.. Nawala na din ang sumpong ko.. Si baby lang talga ang gamot sa akin..

No comments:

Post a Comment