Saturday, January 21, 2012

January 4 - The most scariest of moment of my Mommyhood

Ahmi, don't leave me please...

Hay, my little Matt is sick. When we woke up, I noticed that his hot already. I checked on his temperature and it's already 38C! Oh my, kaya tempra agad. He fell asleep afterwards, nung hiniga ko na sya he woke up at nagtatumbling na.. Sabi ko tara na anak, labas na tayo.. Then I noticed he was chilling already! I brought him to pedia, 39.6C na ang lagnat ng anak ko. Kaso bago kami umalis kay pedia, nawala na un fever nya.. Hmm. Yan ba yung tinatawag na lagnat layas anak???

At 3PM, he had his normal temperature. I have a meeting kaya pumasok pa ako. I arrived at 10PM, parang may sili ang pwet ko sa pagmamadali umuwi. I washed and changed my clothes and say "Anak dito na si Ahmi"  kinarga ko na sya agad. He just smile a little and look at me. Sabi ko kay Mama, bakit ganito ang mata ni Matt naka tingin lang sa ilaw. Sabi ni Mama, punasan ko daw ng punasan para mawala ang fever nya. 

He poo poo at around 11PM, we wash his butt kaso iyak sya ng iyak at nilalamig. Sabi ko mama tama na. 
I wrapped him on my saya carrier para mapagpawisan sya while constantly rubbing a wet towel.
Around 11:30PM, I took his temperature to my surprise its 40C! In a few seconds nangisay ang baby ko!

I shouted and called Mama si Matt!!!!Lahat ng kapatid ko nagising, si Mama at Papa umakyat agad
Si Jonna binuhusan agad ng tubig si Matt sa taranta. I was shocked and blamed my sister bakit nya binuhusan agad! Baka ma choke si Matt. Buti na lang andun ang kapatid kong Nurse si Lec,Ate wag kang kabahan ok na ito habang minamassage ang mga kamay ng anak ko. I whispered to God: "Lord hindi ko po kaya ito.." habang nakatulala na lang at tinitignan si Matt. Hindi na sya yung Matt na anak ko, he looks like a fetus.. Parang bigla ko naalala yung itsura nya nung pinanganak ko sya. Nakayuko, at naka sarado na ang mga kamay nya.

After a few seconds, umiyak na si Matt.. Nabuhayan na ako ng loob at dinala na namin sya sa hospital.
Matt was still crying habang naninigas ang dila nya.


It was the scariest moment of my mommyhood...Thank you Oh Lord, for saving my little one...




No comments:

Post a Comment